Monday 31 March 2014

Boracay Trip 6 7 8 January 2014


Our Boracay Trip. Biglaan lang ito as in. Usually kasi pag ako nagplano ay mga 3 months before. Pero eto, as in less than 1 month na. Alam kong maganda dito sa Boracay, sa dami ba naman ng mga posts, blogs at write ups. Sikat na sikat sa buong mundo.  Natatakot din ako dati na pag narating ko na ang Boracay ay maging benchmark ko sa ibang lugar. Pero lahat ng lugar ay may specialty, may kaniya kaniya katangian kaya nag go na ako.

Nag book ako ng ticket sa Tiger Air Philippines on 16 December, Manila-Kalibo ang pinili ko kasi mas mura kesa mag Caticlan kami. Nasearch ko rin ang Southwest Tours na nag-aarange ng Coach Transfers from Kalibo to Boracay Any Hotel (Door to Door na including fees). Actually, matiyaga naman ako sa pag aarange ng mga trip namin pero wala na akong oras sa trip na ito kaya nag avail na rin ako ng transfer sa kanila. Then inquire ako sa Regency Lagoon (refer ng friend ko), nagreply naman sila na fully booked sa requested date ko, kaya ni-refer nila ako sa Boracay Garden Resort then ayun may available sila at nagbigay sila ng 10% discount sa amin. In 3 days naayos ko na lahat.

Sa mismong araw ng trip, from Cavite City, we went straight to Park and Fly, suki na rin kami duon, tuwing aalis kami dun na namin iniiwan ang kotse, 24 hours ang kanilang free shuttle. On time din naman ang departure ng Tiger Air that day.

Aerial view going to Kalibo

From the Kalibo Airport may mga nag assist na Southwest, hindi mahirap. May sticker pa sila at para talagang turista ang dating hehehe. After 45 minutes, dito yung stop over nila, Ibajay Rest Area.
Then sa Caticlan Jetty Port may mga Southwest team din na sasalubong sa inyo. Turistang turista nga ang dating tapos priority pa kaya ang bilis namin nakasakay ng boat. Wala ng picture picture sa Caticlan Port diretso na kami.
 View from boat ng Cagban Port
South Side ng Island itong Port
Ito yung sa pagbaba ng boat, ang linis ng tubig sobrang ganda dito, pagakyat may mag-aassist ulit na Southwest para sa paglipat naman sa multicab.
Ito ung lobby / reception ng Boracay Garden Resort.
Ito yung kwarto. Premier Room. Ang laki ng bed kasya 2 adults. 
Maximum allowed nila ay 4 adults per room so reasonable na din ang price.
Ito naman yung isa pang room namin. Same lang din ng ayos.
Naglunch kami sa Garden Cafe, yun yung restaurant sa loob ng Boracay Garden then pahinga saglit, ligo na agad sa dagat. Ang ganda ng dagat. Ang pino nga ng buhangin. Nuong hindi pa ako lumalapit sa dagat, sabi ko parang ang dating sa akin ay Saud Beach pero ibang iba ang buhangin dito. Talagang powdery white. Ang sarap maligo.
Ito naman ang magandang sunset ng Boracay Island. Dami ko ngang picture sa sunset. Yun nga lang ang bilis lumubog ng araw.




After sunset ganito naman ang view. Mapapansin niyo medyo greenish ang color ng dagat kasi maraming lumot ng January pero may friend kaming nagpunta ng October walang lumot.

Ganda talaga dito.

After ng sunset, naglakad lakad kami para hanapin ba yun sikat na mga sand castle dito sa Boracay. Maliit lang itong nakita namin. Donation din pag magpapapicture. Mga bata ang gumawa nito.
Morning ito yung view sa isa sa mga pool ng hotel.

Morning view sa Boracay Island. Yung hotel nga pala is located in Station 2.
Left Side View
Front View 
Right Side View
Naglakad kami para naman hanapin kung saan ang grotto, medyo malayo din from Boracay Garden. 
Low tide kaya ang haba ng sand bar. Ang ganda ganda rin tignan.
Ate Mel and Jm walking sa Sand Bar
My favorite shot sa Boracay
Ang sikat na Jonah's Fruit Shake and Snack Bar
Grotto sa Boracay, maaga pa kaya wala pang tubig papunta dito.
May mga turistang Koreana na nagpapapicture sa Grotto
After nito,  puro ligo na kami sa dagat at sa pool sa hotel. 
Ang daming mga Koreans na nag stay din sa Hotel.
 Ito naman yung isa pang sand castle na mas malaki, donation din dito kina Kuya.
The next day ligo sa umaga then afternoon byahe na pauwi. Hindi ako nakapag helmet diving kasi ayaw nila sumama sa akin natatakot daw sila. Sayang nga e, pero definitely I will go back here.
Sunset, View sa Airplane nung pabalik sa Manila.

Yung total amount per person sa trip na ito (for budget):
Tiger Air Philippines - Manila to Kalibo per person - Php2,723.36
Southwest Tours Boracay - Kalibo to Hotel (including fees) Php 975.00 + Php48.75 (Web Admin Fee)
Southwest Tours Rate per person - Php1,023.75
Boracay Garden Hotel Premier Room  - Php6,888.00 less 10% disc. 6,199.20/night x 2 = Php 12,398.40
If dalawa sa isang room ang rate per person - Php6,199.20

So Php2,723.36+1,023.75+6,199.20= Php9,946.31 per person if double occupancy


Pero if 3 mas cheaper ang Hotel Room:
Ganito ang magiging calculations:
Boracay Garden Hotel Premier Room  - Php6,888.00 less 10% disc. 6,199.20/night x 2 = Php 12,398.40
Additional breakfast for the third occupant - Php720.00,  Total = Php13,118.40 / 3 = Php4,372.80

Php2,723.36+1,023.75+4,372.80= Php8,119.91 per person if triple occupancy


Pero if 4 mas cheaper pa ulit ang Hotel Room:
Ganito ang magiging calculations:
Boracay Garden Hotel Premier Room  - Php6,888.00 less 10% disc. 6,199.20/night x 2 = Php 12,398.40
Additional breakfast for the third occupant - Php720.00
Additional bed and breakfast for the fourth occupant - Php2,000.00, Total = Php15,118.40 / 4 = Php3,779.60

Php2,723.36+1,023.75+3,779.60= Php7,526.71 per person if quadruple occupancy

Just add budget of Php250.00 per meal. Kasi ang included lang sa hotel ay breakfast. Add like Php1,250.00 per person. for 3 days and 2 nights. Average na ito tulad kami di naman lagi sa hotel kakain, isang bes sa shakeys dinner, nung day 2 lunch ang kinain namin ay ung baon kong ulam then bumili na lang sina mama ng kanin at extra ulam sa carinderia. Tapos ung day 3 pauwi busog pa naman sa breakfast sa hotel nung nag checkout kaya dun na kami kumain sa 3Js carinderia sa tapat ng Kalibo airport. Plus extra money for pasalubong pa. Mas mura ang mga pasalubong sa D Talipapa kesa sa D Mall.

Yung above rates are for info/budgeting purposes lang naman at depende pa rin sa other hotels if they will allow yung ganitong set up, then ung hotel rate nagiiba if peak or lean season ang pagpunta niyo duon. Marami ding hotels sa Boracay madali maghanap online. If your going to travel with family, mas ok yung hotel na may swimming pool, kasi ang mga kids minsan pag nagsawa na ayaw na sa dagat.  Daming tao dito at ang daming foreigners pero bukod sa magandang white sand sa tingin ko ang dinadayo din dito ay mga bars along the beach. Pagdating kasi ng gabi ung mga  upuan dun sa tabi ng dagat liligpitin tapos papalitan ng mga kainan at inuman.

Of course yung price ng Airfare nagbabago. Mas maaga niyo mabili mas cheaper.


So Guys, pwede na pumunta sa Boracay with your family!


My Boracay Travel Buddies:
Auntie Cora, Ryan, JM, JR, Ate Mel, Ate Susan and Mama Beth

2 comments: