Thursday 3 April 2014

Alaminos and Bolinao Trip 12 13 14 April 2013



Our Alaminos and Bolinao, Pangasinan Trip. It was planned maybe a year ahead kasi when we were in Zambales April 2012 dapat didiretso na kami ng Pangasinan kaso sobrang pagod hindi na rin kami tumuloy. Instead, we planned na iseperate trip na lang. I just searched how to get there, then read blogs how much magagastos. Halos marami akong nabasa na di na raw ganuon kaganda sa Hundred Islands, kasi marami ng nagbago at konkretong imprastraktura.  Pero hindi pa rin ganun, ang ganda ganda dito. Hindi ko akalain na ganun kaganda. At ang dami dami nga ng islands. Sabi ni kuya duon halos 123 islands/islets meron pero iilan ang pwedeng mapuntahan. Some islands  are preserve and not allowed ata. Yung tours are managed by a Cooperative so maganda at regulated sila ng Tourism nila duon. 
On the way to Pangasinan, somewhere in Tarlac.
Camiling Arch
Somewhere in Pangasinan, left side view so on the other side of the mountain ay Zambales na.
Alaminos welcome arch
From the National Road, You need to go right to reach Brgy. Lucap
Then sa dulong dulo andun na ung port sakayan ng tour ng Hundred Islands. May sasalubong na kuya para sabihin na mag-register sa Tourism Office. Makikita na rin duon rates, tapos sila ang magsasabi kung sino ang susunod na lalarga. Cooperative sila duon kaya hindi sila nagaagawan ng customer/tourist. Yung bayad per head Php20.00. Then sa tour ang pinili ko dyan ay Medium Boat -Php1,800.00 kasi 8 kami at Service Boat yun, ibig sabihin mag-ikot ikot at bababa kami ng boat. Yung Day tour, saglit lang daw un.  As you can see iba ang rate ng overnight. May mga islands na pwedeng mag overnight. Kaso mahal ng generator, wala kasing kuryente duon. Parking Php40.00 dun lang din sasabihin naman ni kuya saan pwede magpark.
Some of the islands
First stop, Governor's island. 
Ito yung paakyat sa viewing deck. Ang taas din nahirapan kami hehehe.
Ito ang view sa itaas ng Governor's Island 


Pagbaba, sa mismong boat na kami kumain. May dala na kaming kanin, ulam at softdrinks. Medyo mahal pati ung tubig kasi nga ibabyahe pa nila bago nila madala dito, ung 500ml is Php70.00 pero pwede tawad kaya Php50.00 na lang. At sa sobrang init mapapabili ka. Nakakapagod din akyatin ang view deck.
Other islets
Romulo Island
Marcos Island
Quezon Island
Foreigners in Children's Island

JM snorkling in Children's Island
Cathedral Island
Ang daming Paniki sa Bat's Island, Sobrang dami nakakakilabot tignan hehehe
Lucap Wharf view from the Boat
JM jumpshot in the Welcome Hundred Islands
After nito may rental ng banyo Php.10.00 per person, lumang toilet pero parang wala naman ibang pwedeng pagbihisan sa mga nag tour, dun na kami naligo at nagbihis. May dala na kaming mga sabon at shampoo pero maraming nagtitinda duon kung wala kayong dala.

Sa labas, marami na rin nagbebenta ng mga pasalubong. Ang daming naglalako ng mga tshirts, keychains. hats, ref magnets at pamaypay.

After namin magbihis at mamili ng pasalubong, diretso na kami sa Bolinao, medyo malayo pa ang byahe papunta.  Ito ung Welcome Bolinao.
Dumaan kami  sa Bolinao Market para mamili ng lulutuin. Ang mura ng mga seafood duon. Bumili na rin kami duon ng bigas, softdrinks, ilan bote ng tubig, juice at prutas, para pagkain namin sa Beach.
St James Church, Bolinao Proper
Inside the church

Gabi na kami nakarating sa Brgy Patar, duon na kami naghanap ng resort. Sa Holyland Resort kami nagstay. Bale sa pagkakatanda ko Php7,000 ang unang sabi nila pero natawaran namin ng Php6,500 for 3 days and 2 nights.. May dala nga pala kaming superkalan, pwede naman daw magluto tapos yung tubig na inumin itinuro nila na bumili sa sari sari store tapos nagbayad na lang ng renta ng galon ibinalik na lang din nung umuwi na kami. Sa Holyland Resort, may swimming pool at andun din nakatira ang may ari kaya sila mismo ang nagmamanage. Pacencya na at wala akong pic ng kwarto pero sakto lang yun space, walang TV, may aircon at electric fan, bale may 3 malaking bunk bed. Sama sama na kami. Okay lang sa amin walang TV kasi pag nasa beach ang bilis din ng oras at andun din naman para magswimming hindi para manood. Pero may  free Wifi duon.

Morning paggising, ligo sa dagat:

After lunch, pasyal kami sa Cape Bolinao Lighthouse. Malapit lang naman ito, diretsuhin lang ang Patar Road.

Ito yung view from the Cape.

After nito, punta sana kami sa mga caves, may tatlong sikat na cave along Patar Road at lahat sila hindi mahirap hanapin kasi meron ng mga signs, Enchanted Cave, Cindy’s Cave at Wonderful Cave kaso ang mahal ng entrance e may isa pa nga dun Php100.00 ata. Ang nangyari, dumiretso na kami sa talipapa para mamili ng mga lulutuin.  Nasearch ko rin na may mga falls sa Bolinao, dalawa at dahil sa may bata, hindi ko na isinasama sa iterinary yun pero pag malaki na si JM at pwede na mag trekking gusto ko rin marating nya iyong mga falls.  
Balik kami dagat tapos mamalengke. Eto naman pag low tide na ang ganda ng dagat para akong nasa malaking aquarium. Ang ganda, kailangan din nakatsinelas pag mag swimming.
Eto ang sunset sa Bolinao
Kinabukasan, ligo lang saglit sa dagat at swimming pool. Uwi na rin kami. Nag stop over kami sa Alaminos, daan kami sa St Joseph Church.
Inside the church

Gastos:
Diesel, Approx.: Php2,500.00
Hundred Islands Tour: Php160.00+Php1,800.00+Parking 40.00+Banyo-Php80.00=Php2,080.00
Holyland Resort: Php6,500.00
Food Etc. Approx.: Php3,500.00 (share share kami)
Total: Php14,580.00 (7 adults and 1 kid)

Syempre, di dapat mawalan ng extra monies for pasalubong.

How to get there:
Map from Google Map. Edited by Arlene
From NLEX, exit sa pinakadulo Mabalacat, then right sa Mc Arthur Hiway, tuloy yun hanggang sa Tarlac City Proper, sa Tarlac City dapat sa kaliwa kayo, P.Burgos to Romulo Hiway, ang sign is to Camiling. Sa dulo ng Romulo Hiway, may Junction, right is going to Paniqui, straight going to Bayambang-Malasiqui, sa Left dun yung pa Camiling Proper (Quezon Ave.) then right again to Romulo Hiway din ang name ng road. Pag medyo nalito, tanung tanong lang kasi sa Camiling Proper may One Way.  Diretso na un hanggang sa malagpasan niyo ang Mangatarem,  sa dulo nun may junction kakaliwa dapat papunta Labrador (ung kanan pa Lingayen).  Madaming signs na To Hundred Islands, susundan lang.   After left, diretso na to Labrador, sunod na ang Sual-Alaminos Road.  Pagdating sa Alaminos makikita niyo na duon may mga signs to Lucap , Hundred Islands, may rotonda duon kanan ang papunta sa Lucap Wharf.
After Alaminos, paglabas kanan dapat to Bani, then from Bani Proper, kanan ulit to Bolinao. tuloy lang sa National Road nasa dulo ang Bolinao Proper. After Bolinao Proper, mga 16kms pa to Patar Beach.
From Cavite to Alaminos, approximately 250 kms , Alaminos to Bolinao 44kms, the Bolinao to Patar Beach 16kms then to Cape Bolinao add 2kms.  Total mileage balikan = 624kms.

My Alaminos Bolinao Travel Buddies:
Auntie Cora, JM, Mama Beth, Ate Mel, Jonah, JR and Ryan

Credit: Some Bolinao Pics from JR Cam. Resorts search c/o Tin.