Monday 31 March 2014

Boracay Trip 6 7 8 January 2014


Our Boracay Trip. Biglaan lang ito as in. Usually kasi pag ako nagplano ay mga 3 months before. Pero eto, as in less than 1 month na. Alam kong maganda dito sa Boracay, sa dami ba naman ng mga posts, blogs at write ups. Sikat na sikat sa buong mundo.  Natatakot din ako dati na pag narating ko na ang Boracay ay maging benchmark ko sa ibang lugar. Pero lahat ng lugar ay may specialty, may kaniya kaniya katangian kaya nag go na ako.

Nag book ako ng ticket sa Tiger Air Philippines on 16 December, Manila-Kalibo ang pinili ko kasi mas mura kesa mag Caticlan kami. Nasearch ko rin ang Southwest Tours na nag-aarange ng Coach Transfers from Kalibo to Boracay Any Hotel (Door to Door na including fees). Actually, matiyaga naman ako sa pag aarange ng mga trip namin pero wala na akong oras sa trip na ito kaya nag avail na rin ako ng transfer sa kanila. Then inquire ako sa Regency Lagoon (refer ng friend ko), nagreply naman sila na fully booked sa requested date ko, kaya ni-refer nila ako sa Boracay Garden Resort then ayun may available sila at nagbigay sila ng 10% discount sa amin. In 3 days naayos ko na lahat.

Sa mismong araw ng trip, from Cavite City, we went straight to Park and Fly, suki na rin kami duon, tuwing aalis kami dun na namin iniiwan ang kotse, 24 hours ang kanilang free shuttle. On time din naman ang departure ng Tiger Air that day.

Aerial view going to Kalibo

From the Kalibo Airport may mga nag assist na Southwest, hindi mahirap. May sticker pa sila at para talagang turista ang dating hehehe. After 45 minutes, dito yung stop over nila, Ibajay Rest Area.
Then sa Caticlan Jetty Port may mga Southwest team din na sasalubong sa inyo. Turistang turista nga ang dating tapos priority pa kaya ang bilis namin nakasakay ng boat. Wala ng picture picture sa Caticlan Port diretso na kami.
 View from boat ng Cagban Port
South Side ng Island itong Port
Ito yung sa pagbaba ng boat, ang linis ng tubig sobrang ganda dito, pagakyat may mag-aassist ulit na Southwest para sa paglipat naman sa multicab.
Ito ung lobby / reception ng Boracay Garden Resort.
Ito yung kwarto. Premier Room. Ang laki ng bed kasya 2 adults. 
Maximum allowed nila ay 4 adults per room so reasonable na din ang price.
Ito naman yung isa pang room namin. Same lang din ng ayos.
Naglunch kami sa Garden Cafe, yun yung restaurant sa loob ng Boracay Garden then pahinga saglit, ligo na agad sa dagat. Ang ganda ng dagat. Ang pino nga ng buhangin. Nuong hindi pa ako lumalapit sa dagat, sabi ko parang ang dating sa akin ay Saud Beach pero ibang iba ang buhangin dito. Talagang powdery white. Ang sarap maligo.
Ito naman ang magandang sunset ng Boracay Island. Dami ko ngang picture sa sunset. Yun nga lang ang bilis lumubog ng araw.




After sunset ganito naman ang view. Mapapansin niyo medyo greenish ang color ng dagat kasi maraming lumot ng January pero may friend kaming nagpunta ng October walang lumot.

Ganda talaga dito.

After ng sunset, naglakad lakad kami para hanapin ba yun sikat na mga sand castle dito sa Boracay. Maliit lang itong nakita namin. Donation din pag magpapapicture. Mga bata ang gumawa nito.
Morning ito yung view sa isa sa mga pool ng hotel.

Morning view sa Boracay Island. Yung hotel nga pala is located in Station 2.
Left Side View
Front View 
Right Side View
Naglakad kami para naman hanapin kung saan ang grotto, medyo malayo din from Boracay Garden. 
Low tide kaya ang haba ng sand bar. Ang ganda ganda rin tignan.
Ate Mel and Jm walking sa Sand Bar
My favorite shot sa Boracay
Ang sikat na Jonah's Fruit Shake and Snack Bar
Grotto sa Boracay, maaga pa kaya wala pang tubig papunta dito.
May mga turistang Koreana na nagpapapicture sa Grotto
After nito,  puro ligo na kami sa dagat at sa pool sa hotel. 
Ang daming mga Koreans na nag stay din sa Hotel.
 Ito naman yung isa pang sand castle na mas malaki, donation din dito kina Kuya.
The next day ligo sa umaga then afternoon byahe na pauwi. Hindi ako nakapag helmet diving kasi ayaw nila sumama sa akin natatakot daw sila. Sayang nga e, pero definitely I will go back here.
Sunset, View sa Airplane nung pabalik sa Manila.

Yung total amount per person sa trip na ito (for budget):
Tiger Air Philippines - Manila to Kalibo per person - Php2,723.36
Southwest Tours Boracay - Kalibo to Hotel (including fees) Php 975.00 + Php48.75 (Web Admin Fee)
Southwest Tours Rate per person - Php1,023.75
Boracay Garden Hotel Premier Room  - Php6,888.00 less 10% disc. 6,199.20/night x 2 = Php 12,398.40
If dalawa sa isang room ang rate per person - Php6,199.20

So Php2,723.36+1,023.75+6,199.20= Php9,946.31 per person if double occupancy


Pero if 3 mas cheaper ang Hotel Room:
Ganito ang magiging calculations:
Boracay Garden Hotel Premier Room  - Php6,888.00 less 10% disc. 6,199.20/night x 2 = Php 12,398.40
Additional breakfast for the third occupant - Php720.00,  Total = Php13,118.40 / 3 = Php4,372.80

Php2,723.36+1,023.75+4,372.80= Php8,119.91 per person if triple occupancy


Pero if 4 mas cheaper pa ulit ang Hotel Room:
Ganito ang magiging calculations:
Boracay Garden Hotel Premier Room  - Php6,888.00 less 10% disc. 6,199.20/night x 2 = Php 12,398.40
Additional breakfast for the third occupant - Php720.00
Additional bed and breakfast for the fourth occupant - Php2,000.00, Total = Php15,118.40 / 4 = Php3,779.60

Php2,723.36+1,023.75+3,779.60= Php7,526.71 per person if quadruple occupancy

Just add budget of Php250.00 per meal. Kasi ang included lang sa hotel ay breakfast. Add like Php1,250.00 per person. for 3 days and 2 nights. Average na ito tulad kami di naman lagi sa hotel kakain, isang bes sa shakeys dinner, nung day 2 lunch ang kinain namin ay ung baon kong ulam then bumili na lang sina mama ng kanin at extra ulam sa carinderia. Tapos ung day 3 pauwi busog pa naman sa breakfast sa hotel nung nag checkout kaya dun na kami kumain sa 3Js carinderia sa tapat ng Kalibo airport. Plus extra money for pasalubong pa. Mas mura ang mga pasalubong sa D Talipapa kesa sa D Mall.

Yung above rates are for info/budgeting purposes lang naman at depende pa rin sa other hotels if they will allow yung ganitong set up, then ung hotel rate nagiiba if peak or lean season ang pagpunta niyo duon. Marami ding hotels sa Boracay madali maghanap online. If your going to travel with family, mas ok yung hotel na may swimming pool, kasi ang mga kids minsan pag nagsawa na ayaw na sa dagat.  Daming tao dito at ang daming foreigners pero bukod sa magandang white sand sa tingin ko ang dinadayo din dito ay mga bars along the beach. Pagdating kasi ng gabi ung mga  upuan dun sa tabi ng dagat liligpitin tapos papalitan ng mga kainan at inuman.

Of course yung price ng Airfare nagbabago. Mas maaga niyo mabili mas cheaper.


So Guys, pwede na pumunta sa Boracay with your family!


My Boracay Travel Buddies:
Auntie Cora, Ryan, JM, JR, Ate Mel, Ate Susan and Mama Beth

Saturday 29 March 2014

Albay Trip 26 27 28 March 2012



Uunahin ko na pala ang Bicol Trip kasi last night one of my friend is asking na saan daw maganda mag stay sa Legazpi City. I told her na na-search ko dati ang mga Hotels dun at ang magaganda ay Casablanca Suites, Hotel St. Ellis, Hotel Venezia, La Piazza at ang The Oriental.  Na search ko lang pero hindi kami nag stay (for future reference ko lang). Marami kaming nagpunta at medyo mataas ang price at isa pa ang hinahanap namin nuon ay Bed and Breakfast so sa Tyche Boutique Hotel kami nagstay. Ask din ng friend ko saan daw maganda mag ikot duon. Maraming papasyalan at iikutan sa Legazpi/Daraga, lahat ng pagkain sa Bicol ay masasarap. Spicy foods are simply the best for me. Dami nga lang din kanin ang makakain ko at maiinom na softdrinks. Maganda sa Albay particularly sa Legazpi kasi duon kami nag stay, malinis at walang traffic.

This trip was with them:
Auntie Cora, Dimple, Ate Susan
JR, Mama Beth, Ninang Yoly 
 Ryan, Arlene, JM

Umuulan that day but still pagdating na pagdating sa Airport nag hire kami ng Van:
Name: Mr. Diogenes D. Tuason Jr.  -   Mobile Number: 09216569602
Dumiretso na kami sa Camalig. Albay. Mabait si Kuya at hinatid na rin nya kami sa Tyche after namin sa Cagsawa Ruins.
HOYOP HOYOPAN Cave


 



Cagsawa Ruins with Mama Emma ni Shane. Kina Shane kami nag-lunch kaso sa sobrang sarap ng pagkain nakalimutan namin magpicture picture.




May mga batang photographer sa Cagsawa Ruins na magagaling, ang bayad sa kanila ay kahit magkano so parang donation sa kanila. Ito ung mga trick pics namin:






 


After sa Cagsawa Ruins, hinatid na kami sa Tyche. Pictures of this Tyche Room are c/o Auntie Cora Camera. Sa pagtatanong tanong namin bago lang daw yun Tyche nuon. Maganda rin at masarap ang pagkain. 







After pahinga, we went to LCC Mall para magdinner, pero dumaan na rin kami sa Legazpi Church, then Plaza Rizal. 
Legazpi Church
 Plaza Rizal
 LCC Mall

The next day, breakfast in Kouzina Tyche.
 Bicol Regional Training & Teaching Hospital
Daraga Church
Albay Church
Liberty Bell in front of Provincial Capitol



Small Talk Cafe, dito naman makakain ang Bicol Express Pasta, sa sobrang excitement na naman ay hindi napicturan ang pagkain, anyway pagbalik namin sa April pi-picturan ko....
 Embarcadero de Legazpi


 First Colonial Grill, andito naman makakain ang Chili Ice Cream 
 Malunggay Ice Cream

 Dinner in Kouzina Tyche, Fried Chicken, masarap at parang lechon kawali ang dating.
 Kouzina Tyche's Laing.
 Kouzina Tyche's Bicol Express
 Kouzina Tyche's Fried Rice
  Kouzina Tyche's Inihaw na Belly kung di ako nagkakamali, ang tagal na kasi...
The complete cast of our Albay trip, Dimple, Ninang Yoly, Mama Beth, Arlene, Ryan, JM, JR, Auntie Cora and Ate Susan.

The next morning after breakfast, tour in Lignon Hill. Near the Albay Park and Wildlife, pero hindi kami nakapunta duon kasi umuulan na.
Lignon Hill






 Legazpi Airport, view from Lignon Hill

  Mayon Volcano, view from Lignon Hill



Zipline in Lignon Hill



After dito sa Lignon Hill, umuwi na rin kami, hindi ko maipost ang complete list ng gastos for reference sana kasi yung files ko ng mga trip namin ay nasa Pilipinas. Pagbalik ko ililista ko at i post ko na rin. Yung pagpunta at pagikot namin sa mga lugar dito ay jeep at tricycle. 

Yung mga monuments on the way naman sa jeep makikita kaso di ko rin napicturan. Now I know na, lahat kailangan mapicturan ko para maipost ko dito.

Anyway, ito ung mga listahan na mapupuntahan, yung mga di namin napuntahan ay iikutin at ita try namin this April 2014.

March 2012 Trip
Hoyop Hoyopan Cave
Bell Tower of Cagsawa Church (Cagsawa Ruins)
Our Lady of Gate Church or Daraga Church
Legazpi Church
Plaza Rizal 
Battle of Legazpi Trylon (corner of Rizal St & Quezon Ave)
Headless Monument (near Legazpi City Post Office)
Legazpi City Public Market
Albay Church
Peñaranda Park
Legazpi City Hall
Liberty Bell in front of Provincial Capitol
Embarcadero 
Lignon Hill 
Japanese Tunnel at the Foot of Lignon Hill
Kapit tuko Trail
Bicol University Main Campus
Bicol Heritage Park and Camp Simeon Ola
Albay Provincial Capitol - Magayon Art Gallery

Next stop this April 2014:
St John the Baptist Church, Camalig
Ninoy Aquino Park
Daraga Public Market
Kapuntukan Hill
St Jude Church
Locsin Park
Albay Park and Wildlife (near Lignon Hill)
Mayon Volcano (Mayon Resthouse Observatory) 
Check Bacacay Beach in the afternoon MALAYO DIN

Restaurants:
First Colonial Grill - Chili Ice Cream
Small Talk Café - Spicy Pasta
Red Labuyo
DJC Halu Halo
Akongs Lugaw


Thanks to Zest Air, hindi kami nadelay nuon.
Operating as Air Asia Zest na ngayon.
 Mama Beth 
Thanks for reading.
Siguro isusunod ko na ang Boracay Trip namin.